Ibigin Mo Ako Kahit Masama
November 4, 2008
Chapter 5
Ibigin Mo ako Kahit Masama
NARZ PALMA SITOY
Bago pa man maging ganap na artista ay magkahalong nerbiyos at excitement ang nadarama ni Carl. Naging masaya at maintriga ang paglabas niya sa mga napakaraming shows sa telebisyon at sa mga pelikula. Naging excited naman siya sa kanyang career. Dati ay aminado siyang takot at medyo alangan sa kanyang bagong buhay.
Namayagpag sa ratings ang teleserye na “Ibigin Mo Ako Kahit Masama” na kung saan ay isa siya sa mga gumaganap bilang bida. Kasama niya sa teleserye ang mga naglalakihang mga artista ng showbiz. Ang galing niyang umarte bilang inaapi sa estorya. Pinaiyak niya ang publiko.
Si Maxwell dela Viño na tinaguriang crush ng bayan ang naging katambal niya sa teleserye. Mikel ang dinadala niyang pangalan sa teleserye at kay Maxwell naman ay Angelu. Ang naging papel niya sa estorya ay kahalintulad ng nangyari sa kanya noon sa totoong buhay. Isang estudyante siya na tagapaghugas ng pinggan gabi-gabi sa isang maliit na karinderya.
Lantad na lantad sa kaalaman at paningin ni Winifred ang pamamayagpag ni Carl sa mundo ng showbiz. Ang dating inaapi niya ay naging isa pa sa mga tanyag na teen celebrities ng bansa at naging sikat pa sa pagmomodelo ng Head and Shoulder na shampoo.
“Yan na ang sinasabi ko sa ‘yo noon Fred na ang ang buhay ng tao ay parang gulong. Minsan ay na nasa ibabaw at minsan nama’y nasa nasa ilalim,” parinig na sabi ni Marvin kay Winifred habang magkasabay na kumakain ng pananghalian sa isang maliit na karinderya. Natanaw kasi nila si Carl sa TV na humahagod ng maganda at maitim nitong buhok sa patalastas ng Head and Shoulder na shampoo. “Tingnan mo ‘yang si Carl na inaapi mo noon, makikita na natin sa TV araw-araw. Sinong mag-aakala na maging isa siya sa mga sikat na teen celebrities ng bansa at naging modelo pa sa Head and Shoulder na paborito mong shampoo. Ang galing pa niyang umarte sa teleserye na pinapanood natin gabi-gabi sa TV. Halos mangiyak-ngiyak nga ako sa kanya dahil iaapi siya ng mga kontrabida


